kaninang umaga dumaan ako sa palengke ng Marikina upang bumili ng paborito kong biko -- yung may latik sa ibabaw. nagmamadali ako sa paglalakad. lagpas na ng ika-siyam ng umaga'y hindi pa ako nag-aagahan. kumukulo na ang sikmura ko.
sa aking paglalakad, nakasalubong ko si lola pacita. hindi ko tanda ang kanyang mukha ngunit dahil sa suot-suot niyang daster -- maraming bilog na may samu't saring kulay. naalala ko na siya si lola pacita. lumapit ako sa kanya at tumpak na siya nga iyon. ang unang tanong niya'y, "kumain ka na ba?" Nuong una ko siyang nakita ganuon din yung tanong niya sa akin, "kumain ka na ba?"
"kumain ka na ba?" tanong niyang muli.
"hindi pa po," sagot ko, "bibili po ako ng biko para agahan ko. kakainin ko po sa bahay."
ngumiti siya, "ganuon ba? alam mo ba ang pauwi sa inyo?"
"opo."
alam ko nga ba ang pauwi sa amin?
oo, naaalala ko.
salamat lola pacita,
sa pagalala.
No comments:
Post a Comment