Tuesday, January 03, 2006

vocation workshop 2005

i spent the latter part of my Christmas vacation, upon the brotherly insistence of Scholastic Shio, at the Sacred Heart Novitiate to help in the Vocation Workshop. i did find the experience quite invigorating -- there were more than forty-seven participants, all discerning the call with which their God whispered in their ears. and, it reminded me of the very discernment process i passed through not so many years ago.

Paliparan ng mga Anghel

Ika-apat ng Pebrero 2001 sa pandaigdigang paliparan sa siyudad ng Los Angeles, tatlo kaming pinoy na babalik ng Pilipinas. Galing kami sa pag-aaral tungkol sa sikolohiya ng pamumuno at sa dinamismo ng pagpapatakbo ng isang NGO. Samu’t sari naman ang dahilan ng aming pag-uwi.

Si Ray ang puno ng kagawaran ng teolohiya sa isang unibersidad sa Maynila. Higit sa apatnapung taon ang kanyang gulang. Maalam siya sa turo ng simbahan, at mahilig din siya na magtuturo at mamili sa mga pamilihan. Ika nga niya, “pasalubong sa mga kapatid at pamangkin.”

Isang doctor naman si Eleanor. Dalawampung taon na siyang nanggagamot sa California. Bihasa siya sa panggagamot ng mga karamdamang may kinalaman sa baga. Babalik siya ng Pilipinas upang asikasuhin ang pinatayo niyang HMO sa Ortigas.

Nang matapos ang pagkapkap sa amin ng mga sikyo, ihinatid kami sa ikatlong palapag ng gusali at pinapasok sa business lounge ng Northwest Airlines. Unang bumati sa amin ang bantay na babae, “Good morning! You may want to deposit your things here.”

Ginabayan kami ng bantay patungo sa isang maliit na kuwarto. Sa loob, may mga pitak na puwedeng paglagyan ng aming mga bagahe.

“Would you want me to hang your coat, sir?” tanong ng bantay.

“Thank you very much,” ang sagot ko sa kanya.

“Ton-Ton,” tawag ni Ray, “namili ka ba nang pasalubong para sa pamilya mo? Ang konti ng bagahe mo, eh.”

“Hindi na. Alam mo namang nagtitipid ako.”

“Nagtitipid?! Ang laki-laki ng allowance natin dito. Tapos pag-uwi may matatanggap ka pa para sa isang buwan mong bakasyon. Nagtitipid?!”

“Anong masama doon?”

“Wala naman. Pero sayang yung pagkakataon. Minsan ka na nga lang makapunta dito. Ni hindi ka yata bumili ng damit na souvenir para sa sarili mo.”

“Ay naku, Rey, halika na at mag-agahan na tayo. Gutom lang iyan at saka mahaba pa ang ating liliparin.”

Dali-dali akong nagtungo sa buffet table para kumain at maka-iwas sa mga mapanuring tanong. Kumuha ako ng isang mansanas at isang bote ng tsokolate. Nang makita kong paparating na si Ray, kumuha ako ng peryodiko. Umupo ako sa tapat ng telebisyon at binuksan ito sa CNN. Nagkunwari akong sabay nakikinig at nagbabasa ng balita.

Hindi naman siguro masama na ilaan na lamang ang perang naipon ko para sa pag-aaral ng aking kapatid at sa pangtustos ng mga gastusin sa bahay. Aanhin ba naman namin ang bagong kasangkapan. Maiinam pa rin naman yung nasa bahay. At kung tutuusin, mababaw lang naman ang kaligayahan namin. Makita lang namin ang isa’t isa masaya na kami.

Marami pa akong kailangang ayusin sa opisina. Sa asingko, alas-onse ng gabi ang aming paglapag sa Maynila. Papasok ako sa opisina ng asais nang maayos ko kaagad ang mga nagtambakang trabaho. Dapat maayos ko kaagad ang mga nagtambakang trabaho. Dapat maayos ko kaagad. Performance Appraisal na namin sa isang buwan. Mahirap nang mapag-iwanan.

Maya-maya lumapit si Eleanor na may dalang isang tasa ng kape. Tumingin siya sa akin at nag-wika, “May I sit beside you?”

“Sige po, dok. It is my pleasure,” ang sagot ko sa kanya.

“Did you like it here?”

“I did. Maganda ang Amerika. Maayos. Mayaman. Pero siyempre, hindi ako puwedeng magtagal. Kailangan kong umuwi at marami akong kailangang asikasuhin.”

“You know, Ton. I have been wanting to ask you this question. I hope you would not mind me asking?”

“Shoot!”

“What is it that you really desire in life?”
Bakit naman naitanong sa akin ‘yan. Iniwasan ko na nga si Ray sa kanyang mga mapanuring tanong. Ngayon naman pinapaharap sa akin ang isang bagay na tinatakasan ko.

“Bakit n’yo naman po naitanong iyan?,” sabay biglang piyok ng aking boses. Sabay nito na dahan-dahang kong nadama ang mainit na tulo ng luha sa aking mga pisngi.

Sasagutin sana ni Eleanor ang aking tanong ngunit nang makita niyang tumutulo ang aking luha, napaiyak na rin siya. Tumayo siya at nagtungo sa powder room. Pinantakip ko naman ang peryodiko sa aking mukha habang rumaragasa ang mainit kong luha.

Pinilit kong tumahan ngunit umaalingawngaw sa aking mga tenga ang tanong na tinatakasan ko. Ngayon wala na akong kawala. Wala na akong kawala sa bulong na kinabibingihan ko.

I was on the street. Busy. Self-absorbed. Concerned with matters of fleeting moment. Yet, through a friend, You asked me, “What is it that I really desire?” It was as if You did not know. You formed me. You fashioned my heart. My secrets were not hidden from You. “What is it that I really desire?” For four years, I wrestled with You. I tried to escape away from You. I huddled and reasoned. “My family needed me.” “I had a career to make.” “I had my own dreams to achieve.” But You were persistent. I fled from You yet You hounded me. I hid from You yet You searched for me.

You did find me. When You found me, I was trembling, trembling in fear. I was fearful. I fear to be rejected by You – I weighted less than a breath; scourged by my own ghosts; dying in my own emptiness. Yes, You found me – in tears, naked and unloved. Yet, You did not disown me.

You took me by my hand. And, I burned for Your embrace. You walked me through. And, You journeyed with me ever since. “What is it that I really desire?” I desired to be loved by You, to see You, to love You. But the desire did not come from me. It had been Your desire ever since – You found me; You saw me; and, You continually love me. But why me? I had nothing to give. I had nothing to offer. What did I have? A life. My life – decrepit, worthless, useless. Yet You continued to call me by name. But what was in a name? What was in my name? a person so wounded, so vulnerable, and so fragile. Yet, You continued to love me with Your heart – so bleeding, so defiled. You embraced me with Your scourged arms and pierced flesh. You touched me with Your hands that was once nailed on the cross. And, I asked You again, “Why me?” Sinner was and still I am; agonized by my own sins; paralyzed by my own fears. But still, You continued to call me. You entered into my chaos. And, You pursued me with passion inflamed. Again, I bothered You, “Why me?” In the cross, I saw. It was the key to unlock the mystery… “Why me?” All and only because You loved me. You called me by my name. In the stillness of the night and in the silence of dawn, You whispered in my ears, “I love you the same. Do not be afraid. You are mine. Trust me. I love you. Do not be afraid.” And, I stopped wrestling with You. I chose to follow You. Take me, I am all Yours.

No comments: