Friday, December 09, 2005

isang munting alay


taglay pa rin ba ang alaala ng
halos magdadalawang taong nakalipas?
ng minsang naghari ang gabi
sa isang munting kapilya
ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus
sa bayan ng Bagong Liwanag
mga ginoo sa nobisyado'y
nag-alay ng awit
sa mga pamilya't
sa mga kaibigan
dahil sa paskong papalapit
taglay na init sa mga mahal
dito sa mundong ibabaw
taglay din namang hindi maikubli
kaya ang mga himig na taglay
inalay sa mga mahal sa buhay

No comments: